So, kahapon (June 5 actually, this is a late post), I mustered all the courage to actually watch Sid and Aya alone. This is actually the second movie na pinanood ko magisa, I can still remember, the first one was Zombadings. All the reviews on facebook are tempting and scary at the same time, ano kaya mangyayari sakin baka mas maraming feels. Now, letting go of an almost 5 year relationship is not easy. Also, the fact that insomniac si Sid, lalo akong nacurious. Is he just like me kaya in the movie? I mean, I can sleep at 10 am, then I wake up around 1am until I actually reach 6 am to take a bath.
Where: Evia Cinema
Address: Daang Hari Road, Almanza Dos, Las Piñas
Cost: 330 pesos with free Iced Tea
Popcorn: 100 pesos (1 tub)
Here are 30 inputs why you should watch Sid and Aya (Not A Love Story)
1. Feeling ko may personal vendetta ang writer sa mga kupal niyang workmates. Kiss my ass bitches ganern! Yung tipong may code name ka sa bawat isa tapos jinududge mo sila everyday.
2. Yung mga di makatulog, ito ang movie na para sa inyo. In OUR defense, ayan ah, not sleeping is not bad.
3. First 3 minutes, nagandahan na ako agad. Kasi sobrang totoo. Na kupal talaga ang mundo at nasayo naman talaga kung pano mo ihahandle yun.
4. I did not cry (a lot), pero sobrang dami kong buntong hininga. Technically, mas masakit sa dibdib. Sa totoo lang, di ko naubos yung popcorn which is very unusual. Gusto kong iabsorb bawat scene that I don’t want distractions tapos nabadtrip ako kasi may tumabi sakin na 3 #titasofcavite
5. Dahil South girl ako, inassume ko na Filinvest Corporate City yung first shot pero hindi pala. Ang ganda. I wanna live tuloy sa condo na may coffee shop sa baba. Sa subdivision kasi namin, Jollibee ang malapit. Hassle.
6. Sorry spoiler, isa sa favorite scene ko yung tumawag si Sid kay Aya para lang sabihin na ang traffic. Like, hello guys, yun ang sweet. Pwede ba palitan niyo na yung routinary na good morning, kumain ka na? Good night routine. “Wala, traffic. “ is like the new I miss you.
7. Sa dami ng trabaho ni Aya, kahit maganda siya ng naka loose shirt and jeans, may maiinlove kayang isang Luis Isidro? I mean, ako nga, (insert my position here) na wala pang naiinlove na broker sakin. Wala bang magooffer ng 1k jan for my time? Hahaha!! Samahan ko kayo magcoffee!
8. Sobrang cute ni Anne dito pero hirap parin siya magtagalog. Pero di naman nakaka-annoy ha.
9. Gabe, Aya’s workmate in the coffee shop is so cute. Isa siya sa memorable characters sa movie na to.
10. First time ko ata makapanood ng pinoy movie na broker ang character ng guy. Sobrang steady. Sobrang chill na hindi, sobrang rational, sobrang love ko. Brb, hahanap ng broker.
11. Bakit ang mga lalaki, may “Dani” na, gusto pa ng Aya. Tapos, ayaw gaguhin, tapos pipiliin si Dani. Tapos in the end si Aya rin pala ang gusto, ayaw pa sabihin. Hoy Sid, di purket gwapo ka, ganyan ka na rin saming mga magaganda ah. Kidding! Wag seryosohin ang last statement.
12. Life tricks us to gamble everyday. Bakit kailangan sumugal? Bakit hindi.
13. Aya is vague. She pushes Sid away pero she always shows up. Hello Aya, how much do you want this? Ipaglaban mo rin naman si Sid.
14. Dingdong is aging gracely. I mean, oo, sobrang ganda ni Anne sa jeans and black tank top pero grabe si Dingdong, pwede ka rin ba arkilahin for 1 night? Usap lang. Sobrang pogi niya pag nakaplain shirt bakit ganun.
15. Sana ang I love you mas ramdam sa joke no? I love you! Joke. Sobrang galing ko sa ganyan. Magconfess gamit ang jokes.
16. Profound love, profound regret. Yung, tangina, sana sinabi mo nalang yung I love you pag gising siya, hindi pag tulog diba.
17. How many times do you actually meet someone you don’t wanna fuck over with. I mean, if ayaw mo siyang gaguhin malamang she’s someone who’s supposed to be in your life diba?
18. It’s the kind of unconventional you want to get involved with.
19. This movie will give you expectations only to ruin it, then will make your hopes up again only to tear you down. Sobrang ganda nung scene na nagpunta sila sa (okay di ko na matandaan). Tapos sobrang ganda nung background music. Huhu the feels!
20. Girls can save themselves. Aya did. Aya left Sid too. Di lang guys ang pwede mang-iwan sa ere.
21. Sometimes, yung chance encounters can take up most parts of our hearts and minds. Diba? I mean, minsan familiarity is boring. Yung chance encounters, once-in-a-lifetime moments, minsan yun pa yung reason bakit di ka makatulog kakareplay sa utak mo e.
22. If you like deep conversations, this is the kind of movie you should watch. The meaningful silence is another too. Yung smiles in between, yung andaming tumatakbo sa isip mo pero sa outside world you look so composed and chill.
23. Tangina, kung ako si Sid, binook ko si Aya ng 1 month. Haha! But maybe, it’s the chase. Yung kapag madaling araw mo lang siya kasama para mamiss mo rin. Yung hindi palagi. Yung nakakabaliw pag di mo siya kasama.
24. If I were aya and I can read Sid’s mind, I would say “okay lang gaguhin mo ako, gusto ko rin naman.”
25. Why do they have to wait until 4 pm to see each other? I mean, sana nagrpopose nalang si Sid dun the night before! Also, how beautiful is Japan?
26. Tae kasi yung jowa ng nanay ni Aya na hapon, siya talaga yung reason kaya di nagmeet si Sid at Aya nung 4pm.
27. Also, inassume ni ate cashier na may kasama ako. Di ko alam kung bakit. Di ba pwede manood ng mag-isa? May disclaimer naman na “not a love story” diba?
28. This movie is about fate throwing two lovers only to rip them apart.
29. I want to be someone’s Aya, kaso ako ata si Sid. Or maybe I can be someone’s Aya too. Basta happy ending ha! Yung black swan phenomenon, totoo yun. Walang stir, if nahanap mo, fight for it with yo life!
30. Pag sa Evia kayo manonood ng movie, make sure you get the best seat too. F9. Never forget.
Disclaimer: The screenshots are not mine. I got it from google.
Here, checkout their soundtrack. Favorite ko yung When I See You by Jem Cubil and Heartbeats by Andrea Babierra 💕