top of page

The Day After Valentines Movie Review💕


Sa totoo lang, di ko rin alam bakit maraming nanghihingi ng review ko sa movies, dahil ba ramdam na ramdam ko lang lahat ng pain sa mundo? HAHAHA!

Para sa storya na sakto lang, pero sa sakit na tagos hanggang puso at pancreas.

Watch at your own risk.

30 inputs kung bakit kailangan mong panooring ang #TheDayAfterValentines

1. Para tong movie na to sa mga unsure, pero willing. *taps balikat ng katabi, taps sariling balikat* Yung inaantay mo lang yung GO SIGNAL niya tapos hulog ka na ulit, tanga ka na ulit, back to square one.

2. Sobrang lawak ng saklaw ng pagtitiis ng puso natin no? na kakayanin natin ibigay ang 120% natin sa tao kahit tayo hindi parin buo.

3. At one point in your life aminin mo naging duwag ka, para sabihin ang mga bagay na dapat sabihin, gawin ang mga dapat mong ginawa tapos tangina ngayon magmakakaawa ka? Pag safe ka, talo ka.

4. Fixing someone does not guarantee na ikaw na ang pipiliin niya. Wag kang magmakaawa. *pero shet shempre gagawin mo pag sobrang gusto mo yung tao diba*

5. Sobrang hirap itanong dun sa ka-thing mo yung “Anong nangyari? Okay naman tayo ah.” Tangina. Kasi diba aminin man natin o hindi, feeling mo exclusive na e. Ayun na e. Andami mo nang inimagine na scenarios tapos biglang wala!?!? Edi tangina mo rin.

6. Bakit kailangan natin matuto na wag magmahal ng tama para makakuha ng tamang pagmamahal?

7. "I fixed you, dapat akin ka!" Yan, jan tayo madadali. Sa expectations.

8. Gugustuhin mong yakapin si JC (Kai) ng mahigpit, sa lahat ng pain na binigay sa kanya sa mundo kapalit ng lahat ng love na binigay niya.

9. Lalabas ka ng sinehan na sakto lang, pero dude no turning back sa lahat ng pain, feels at memories na ibinalik ng movie na ito.

10. Bakit may messianic attitude tayo na feeling natin kailangan nating i-fix ang isang tao kahit alam nating tayo rin may pinagdadaanan, minsan mas higit pa.

11. Sobrang bad combo pag nagtagpo yung semi-paasa guy tapos mabilis kiligin si girl no? Wag. Nakamamatay. Yung tipong may sabihin lang siya na semi kilig about you wala na hulog ka na ate girl.

12. Girls, tanggapin na natin, kahit di tayo assuming isang sabi lang ni guy bibigay tayo kahit di na tama yung taong yun para satin. *Pusuan tong post na to kung marupok ka*

13. Para sa mga puso nating basag pero tumititibok parin, sana makatagpo tayo ng paghilom sa huli. *writes Paghilom in Baybayin*

14. Ewan ko pero naka-add ng authenticity yung pagsama ng Baybayin sa story. Alam mo yung feeling na may sariling language kayo ng crush mo? WHAT.A.CONCEPT.

15. Sobrang ganda pala sa Hawaii? Parang ang sarap pumunta para umiyak. Alohaaaaa!

16. Teka lang, John Roa, bakit ka ganyan, inano ba kita? Guys, favorite scene ko nung pauwi na si Lani (Bela) sa Pinas tapos papasok si John Roa, abangan niyo ha!

17. Why do we always rely on other people to be happy? Di ko rin alam sagot kaya nga tinatanong ko :p

18. This movie will teach you the value of timing. Pag ikaw okay na pero siya hindi, it will not work out kahit sobrang nagclick pa kayo. Wag niyo nang pilitin, masasaktan lang kayo.

19. Di kailangan mag PDA ni Bela and JC para mafeel mong may feelings sila sa isa’t-isa. Pucha, magkasama kayo sa Valentines Day tapos walang feelings?

20. Oy yung mga ayaw mag-commit jan! Tamaan sana kayo ng kidlat... on the same place... 5x!

21. Sobrang smooth ni JC dito, tangina. Mamahalin mo siya kahit di siya katangkaran. Add mo pa yung yung man bun!

22. Bela will give you so much feels kahit di mo pinagdaanan yung mga pinagdaanan niya sa movie. Ganun.siya.kagaling. She will make you feel things you have not felt.

23. Pwede na pala maging casual ngayon ano? “So anong gagawin mo kung gusto mo ako?”. Kasi isipin mo ha, pag di mo yan tinanong ikaw rin naman kawawa e. Pwede kasing gusto ka lang niya pero wala siyang plano. Ano, kaya mo ba itanong? Text HELP to 2366

24. Gusto mo mag move-on? Isipin mo yung mga bagay na ayaw mo sa kanya.

25. Kung sa Vista Mall Daanghari kayo manonood, select seat H11. BEST SEAT IN THE HOUSE!

26. Bakit ang tao umaatras na pag nakikita ang mga peklat natin? Diba, kasama yun sa kung sino tayo? Package deal yun brad.

27. Sometimes, you have to let time pass just to make sure if you still have the same amount of love for the person who kept you hanging. Baka wala na pala, you’ve outgrown the feeling and the person na pala. Kaya mo na palang wala siya.

28. With uncertainties comes answers. Minsan, sa sobrang labo dun mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo e. Di mo na kailangan marinig pa.

29. Pucha, hoy JC wag kang lalapit sakin ha, mamahalin kita, vulnerable ka pa naman tapos ang cute cute mo pag nalulungkot.

30. Para sa mga nagmahal kahit di pa sila buo, para sa sumubok kahit alam nilang pwedeng matalo, para sa mga naghihilom habang nagaantay mahanap ng iba, at sa mga nadeads dahil sa kaka-assume. Para satin to.

---

Cinema: Vista Cinemas Daanghari

Movie: The Day After Valentines

Vibe : CHILL!

Cost: 250 with free iced tea

Listen to this song while reading this post:

xx

bottom of page