ALONE/TOGETHER (2019)
So ayun nga po, kasama nanaman to sa mga listahan ng pelikula na pinanood ko mag-isa ano? Kwento ko lang yung set-up. May katabi akong mag-jowa sa right, may katabi akong titas of the South sa left, may magjowa sa harap at sa likod. May totoong mag-jowa sa screen. Kill me now.
<3 30 inputs kung bakit dapat o di mo dapat panoorin ang Alone/Together.
Matapang ka na ba para harapin ang mga ala-ala? Kung oo, sige basa. *beshy, don't tell me di ako nagpa-alala.*
1. One word. Tangina. Nakakaputangina ang circumstance na may mga tao talagang ipinagtagpo pero hindi itinadhana. (drops mic)
2. Minsan talaga, dudurugin tayo ng “what ifs” ano? Yung pano kaya kung binalikan ko siya, pano kaya kung di mo tinapos, what if kayo parin, or what if para sa iba ka pala. Di ko rin alam. Bahala kayo sa what ifs niyo, marami na ako niyan. HIHI 🙄😅
3. Traydor talaga ang mga ala-ala, lalo na kung hindi ka pa nakakamove-on sa mga yan at yang ala-ala may kakabit paring pag-asa na madudugtungan pa sila isa-isa. Malas ka kapag sinampal ka pa ng reality na meron pa pala, di pala nawala. *ops✔😅🙈 *
4. Kung ang ex nga pwedeng balikan, ano pa kaya ang pangarap? Dreams will only be just dreams if you won’t act upon it. Maiksi lang ang buhay, mabuti nang maging matapang kesa malunod sa regrets.
5. Wala nang mas nakaka-gago pa sa mga pangarap na sabay niyong binuo pero natupad niyo nang hindi na kayo magkasama.
6. Sana ang buhay may manual ano? Para walang missed chances, walang relationships na natatapon, walang future na nasisira.
7. Pero, siguro, kung ang buhay may manual, di mo na ma-eenjoy yung uncertainties, di naman lahat ng naka-jackpot palaging masaya.
8. This movie will slap you real hard in the face na hindi lahat ng great love ay nananatili. Minsan, kailangan niya lang mangyari, para palakasin tayo, para matuto tayo, para maging better version tayo ng sarili natin. Pero, di naman ng di nananatili, di marunong bumalik. So, go figure. <3
9. Minsan, tangina talaga nitong tadhana e. Kung kelan akala mo nakalimot ka na tsaka ka ireremind na meron pa pala. Aba e napakagaling!
10. Sana, pag pwede na, pwede pa. Hindi naman kasi lahat nauuwi sa second chance at happy ending. Kaya swerte ka kapag umayon lahat ng stars at shit ng universe at nabigyan ka ng second chance na itama ang lahat ng mali mo.🖤
11. Nababadtrip ako kay Tin kasi siya nalang yung laging kailangan tinutulungan tapos minamahal ng totoo, tapos ang tanging gagawin niya lang ay maging selfish.
12. Naaawa ako kay Raf kasi napakaraming nagdadasal ng taong kagaya niya pero he chose to love a selfish person who kept on choosing herself.
13. Choose people who gets excited about the things you like, yung di bored sa mga bagay na gusto mo.
14. Walang deadline ang pangarap. I’m 26, akala ko I lost my chance pero the movie taught me na wala palang timeline ang buhay. You do things if and only if you want it bad enough.✔
15. Dude, pare, chong, if you love someone, wag kang mag-aksaya ng oras. If the thought of the person being with someone else is enough to break your heart, then by all means, go at full speed at tell that person!
16. Dude pare chong ulit, let’s all love with intention. Wala namang half measure sa pag-mamahal, if it doesn’t make you tremble, if it doesn’t make you go mad, if it doesn’t disturb your peace, then you should move on. Half-ass love is bullshit.🌟🌟🌟🌟
17. We lose ourselves by settling. Let’s settle for someone we don’t need to settle for. Digs mo?
18. More often than not, we lose people not because we did not choose them, but because we’re mainly scared. Siguro too good to be true, siguro ang dami nating iniisip, maybe we think we don’t deserve them. I hope everyone will rise above their fears, maybe if we’re just being honest baka sakaling maging okay ang lahat.
19.Aminin na natin, walang degree, walang achievement, kahit gaano ka pa ka-ideal, doctor, magna cum laude, pag hindi ka talaga pinili, wala kang choice kundi tanggapin yung fact na di ka niya pinili talaga.
20. Next point, diba mas nakaka-gago na hindi piliin kahit sapat ka? Kahit sa mata ng mundo, ikaw yung matagal nang pinag-dadasal ng iba.
21. Last point. Hanggang nandiyan pa siya sa tabi mo, ingatan mo nalang. Di natin masasabi ang bukas. Hindi naman lahat ng great love story may great ending.🙈
22. I don’t judge people who cheat not unless I hear their story. Mejo na-tackle siya sa movie na ito. When you grow up, your ideals change and your reasons doesn’t just play on what’s right and wrong anymore. You just go where your heart leads you.
23. Be thankful for struggles, sometimes it builds us up to be the person we’re meant to be.😘
24. Wag natin itanong sa sarili natin yung what ifs, itanong natin sa sarili natin who we should be.
25. If the person wants you, he will pursue you. Countless times, pipiliin ka niya kahit di ka na kapili-pili. No distance, no time lost, no circumstance will stand in the way. So beshies, let us move on from people that doesn’t deserve us and let’s pray for some who would pursue us with intention.
26. Sino bang nagsabi na hindi pwede i-revise ang pangarap? Wala naman diba? Maybe what kills us the most are our disappointments, our own timelines, not knowing na minsan you’re supposed to be where you need to be. *ops tinamaan ako, kayo ba?🙄*
27. Ang sarap mabuhay knowing na may isang tao na may alam ng mga bagay, maliit man o malaki tungkol sayo. Isama mo na dun yung mga bagay na di mo na kailangan sabihin, gaya ng maliliit na pangarap.
28. Hindi lahat ng pumipick-up satin mula sa hirap or problema, o yung tumulong na bumuo satin ulit, may intensiyon rin na tulungan tayo to grow.
29. Maybe, we’re holding on so hard to people na ang main reason for entering our lives is for us to learn to let go.
30. Para sa lahat ng patuloy na humihiling ng isang taong makakasama nila sa tagumpay, nawa ay mas makahanap kayo ng taong makakasama niyo sa oras ng pagkabigo.🖤
Para sa lahat ng umaasang makabalik, tanggapin, magsimula ulit, at patuloy na nangangarap. <3
😢Dala kayo tissue mga guys! 🖤Sobrang pogi ni Enrique juskopo my fragile heart! ✔Sulit na sulit ang babayaran niyo! Find a good seat. 📽If you'll watch at Alabang Town Center, best seat is H17. 🌹 Ang ganda ni Liza gusto ko hiramin yung wardrobe niya.
Alone Together Movie